Pangako

Nakakita ng isang maningning na liwanag
ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman;
sumikat na ang liwanag
sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.
(Isaias 9:2)

Daang taon na ang lumipas
Mula nang si Jose ay naitaas
At sa kulungan ay nakaalpas
Upang Egipto ay mamalas
Karunungan na galing sa itaas
Walang tatalo, walang lalampas
Ngunit pagginhawa’y wala sa landas
Pagsulong ay ‘di iniwang bukas
Kinamuhian bilang taga-labas
Israel ay inaliping wagas
At sa halip na pagtanggap ang ibasbas
Sa pagdurusa’y waring walang wakas

Si Yahweh ay hindi nanatiling tikom
Totoo nga niya’y may handa Siyang tugon
Hinirang si Moises upang sila ay umahon
At mula sa pagkakalugmok ay dumako paroon…
Sa Lupang Pinangako
Ang bayan ng pinili ng Panginoon

Siya ang Dakila
Siya ang Tagapagligtas

Maraming tao’y dumaang muli
Sa bayang inasam doo’y nanalagi
Pinamunuan, nagpakarami
At may kasunduang kay Yahweh manatili
Siya lamang, ‘pagkat Siya’y mananaghili
Kung mula sa Kanya ang pagtingin ay mababali
Sa kabila ng mga namutawi
Paalala mula sa Kanyang mga pinili
Pagsunod sa Kanya’y tuluyang binawi
Kaya nama’y kinuha ng ibang hari
Lupang pangako ay di na pagmamay-ari
At sa kaaway sila ay nagapi

Ngunit ang Diyos ay hindi nanatiling tikom
Mula pa nung umpisa’y handa Kaniyang tugon
Tahimik man Siya nang apat na raang taon
Ang pagsasalita Niyang muli ay katuparan nung dako pa roon…
Sa Hardin ng Eden
Ang pangakong binitawan ng ating Panginoon

Siya ang kahanga-hanga
Hawak Niya ang noon at ngayon

Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga
at magsisilang ng isang sanggol na lalaki
at tatawagin sa pangalang Emmanuel.
(Isaias 7:14)

Isang pari at balo – pawang matatanda na
Ang binigyan Niya ng magandang balita
Anak na may gampanin para sa pagdating Niya
May dumating din kay Maria na balita
Siya sa Anak ng Diyos ang magdadala
Ang pangako Niya ay may katuparan na
Pag-asang tinanggap ng maralita
Mga pastol na nagbabantay-tupa
Sa kadilima’y liwanag ang nakita
At sa ibayo ang mga banyaga
Pagsunod sa bituin ay noon ang pasimula
Nang sa Hari ng mga Hudyo sila ay sumamba

Sa Kaniyang pangako ang Diyos ay ‘di tikom
Nasa Kamay Niya ang bawat tugon
Si Hesus ang patunay noon hanggang ngayon
Ang salita Niya’y ‘di napako sa dako roon…
Makapangyarihan
Ang bawat sambit ng ating Panginoon

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin.
Ibibigay sa kanya ang pamamahala;
at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo,
Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama,
Prinsipe ng Kapayapaan.
(Isaiah 9:6)

Panginoon, sa kanila Ikaw ay nanatiling totoo
Kaya’t sa Iyo alay ko itong aking puso
Kunin mo ito at gawin mong buo
Punuin mo ng liwanag ang madidilim na bahagi ng aking mundo
Ikaw ang may akda ng Pasko
Bawat pangako sa yo’y walang pagkabigo
Buhayin mo ang pag-asa kong sumusuko
Nang higit pa sa abot-ipinta ng mga pangarap ko

Poem for CCBC Christmas Cantata
23 December 2018
Recited to the tune of ‘O Come, O Come, Emmanuel’ cover by The Piano Guys
Footage: https://web.facebook.com/eiamhazyle/videos/1939735779414542/?t=0

Tagged , , , , , ,

Here

Nearer
Into this soul go deeper
Touch the parts that wander
Senseless
Gone weaker

Softer
Into my heart speak clearer
Wake the voice that faltered
Hopeless
A stutterer

Sooner
Paint the dark skies brighter
Let Your light shine in me stronger
Relentless
My King, my Saviour

20 November 2018

Inspired by For King and Country’s cover of one of my favourite hymns,
O Come, O Come, Emmanuel.

Tagged , , ,

Lines

I thought the ink has dried
I’ve put my pen away
More than a hundred times
To seal that door
I shut long ago

Or maybe you just left it ajar
I have always seen it
Quite open but not so
And it’s tempting
To widen the space

Repressed words are flowing
Out of this pointy end
Ready or not it’s moving
Maybe it’s time
To write again

You may read these lines or not
Somehow my heart doesn’t care
About beating and hurting
This is the poetry
Now hidden no more

22 October 2018

Tagged , ,

Moses

‘Then Joseph died, and all his brothers and all that generation. But the people of Israel were fruitful and increased greatly;
they multiplied and grew exceedingly strong, so that the land was filled with them.

‘Now there arose a new king over Egypt, who did not know Joseph.
And he said to his people, “Behold, the people of Israel are too many and too mighty for us. Come, let us deal shrewdly with them…” And the Egyptians were in dread of the people of Israel. So they ruthlessly made them work as slaves.

‘Then Pharaoh commanded all his people, “Every son that is born to the Hebrews you shall cast into the Nile, but you shall let every daughter live.”

‘Now a man from the house of Levi went and took as his wife a Levite woman. The woman conceived and bore a son, and… she hid him three months. When she could hide him no longer, she took for him a basket…put the child in it and placed it among the reeds by the river bank… Now the daughter of Pharaoh came down to bathe at the river… She saw the basket among the reeds and sent her servant woman, and she took it. When she opened it, she saw the child, and behold, the baby was crying. When the child grew older, he was brought to Pharaoh’s daughter, and he became her son. She named him Moses, “Because,” she said, “I drew him out of the water.”’

Ako’y papalapit nang marinig ang ‘Yong tinig
Sa pambihirang kaganapan ako’y namangha’t tumindig
Isang punongkahoy na sa apo’y pumipintig
Pinigilang ako’y lumapit sapagkat binanal ang paligid

At nang hubarin ang panyapak ayon sa Iyong hilig
Binunyag Mo ang ‘Yong kaluwalhatian at ako ay nayanig

Batid Mo ang dalamhati ng ‘Yong bayan
Mga luhang pumatak sa daing ng kalooban
Bawat pawis na kumatas sa kamay ng mga dayuhan
Ay di makakalampas sa malawak Mong durungawan

Iyong nais na bayan Mo’y iligtas
Kaya naman ako’y tinawag upang paghihirap nila’y magwakas
Bitbit isang tungkod na sa kapangyarihan Mo’y magpapamalas
Sa kanila ako’y isinugo sa kabila ng nauutal na pagbibigkas

Kung maari lamang na ako’y muling magtago
Puso ko’y naduwag at humindi sa kabila ng kadakilaan Mo
Gayunpaman Ikaw ang nanaig sa aking trono
At tungo kay Faraon ay nakaakma na ngang dumako

Sa Midian ang aking pamilya’y namaalam
Kay Jetro ang pagpapala ay siya ko ngang nakamtan
Sinalubong ni Aaron gaya ng aking inasam
At sa mga Israelita’y hinayag ang layunin Mong mainam

‘Sinong Yahweh?’ ‘Yan ang tanong ng Faraon
Nang sa kanya kami ng kapatid kong si Aaron
Ay lumapit upang ang bayan Mo ay magkaroon
Ng kalayaang sumamba matapos ang napakaraming taon

Ngunit pinabigat lalo ang pasanin, taliwas sa adhikain
Sa amin ang mga tao ay idinulog kanilang daing
Na ang kapalit ng naising sa palasyo’y inihain
Ay pagkakait ng dayami samantalang pantay ang tatapusin

Manlilikha ng Langit
O Yahweh, bakit?
Bakit sila ay binibigyan Mo ng pasakit?
Bakit Mo hinahayaang sa ganito ang pagdurusa nila’y sumapit?

Di ko mawari kung bakit ako ay Iyong kukunin
Mula sa pagpapastol at dito ay patutuluyin
Kung ganito lamang dagok nilang tatamasin
At sa pagkakalugmok ay di Mo sila aakayin

Panginoon, ipakita mo ang Iyong Mukha
Sa aking pagaagam-agam ay Ikaw ang magbura
Minsan ko nang namalas ang Iyong mga gawa
Ngayon nama’y huwag hayaan na ako ay makalimot pa

Buksan mo ang iyong mga mata, Anak
Halika’t dalhin mga tanong ng iyong utak
Kamay Ko ang magpapahid sa luha mong dumadanak
Sa bisig Ko’y may kapahingahan bawat kalul’wang lumalagpak

May ginhawang nag-aabang sa kabila ng ‘yong paghangos
‘Pagkat ‘di Ko hahayaang pananalig mo ay maupos
Ako ang Iyong lakas, biyayang abot Ko’y lubos
Pag-ibig Ko’y laan para sa iyo na Aking tinubos

Panginoon, puso ko sa Iyo’y inilalapit
Kunin Mo ito pati na rin aking isip
Ikaw ang makapangyarihan – ang may sagot sa aking mga bakit
Mga tinik ko’y matutunaw sa liwanag ng Iyong langit

 

Written on 24th September 2018.
Performed to the tune of ‘Underwater’ by Tokio Myers on 30th September 2018 at CCBC.

Tagged , , , , ,

Sibol

Ginising ng bulong Mo
Ang malalim na katahimikan
Sa malamig na dako
Na walang mukha, walang hangganan
Nilikha bawat piraso
Ng luwalhati ng kalawakan
At sa isang sulok ng mundo
Hinulma at hiningahan
Si Adan na unang tao
At si Eba na kanyang naging kapisan
Pinagpala at hinayo,
Sa wangis Mo ang taong nilalang
May kakayahan ring husto
Na gumawa nang may karik’tan
Sa pagsunod sa iyong ritmo
Ay may paglago na mararanasan
Ikaw may akda ng lahat nito
Ako naman na ‘Yong kasangkapan
Humihinga, tumatakbo
Dito sa dakilang kaparangan

O Tagapaglikha
Ikaw ang Diyos na dakila
At akong nilikha
Nagtanong at nagkasala
Ngunit doon pa ma’y
May sinambit nang pag-asa
Kasaysayan ang nagpakita
Tanging katuparan, wala nang iba

Si Abraham ‘Yong tinawag
Patungong Pinangakong Bayan
At sila ni Sara’y nagsilang
Sanggol sa kabila ng katandaan
Isaak, Hakob, si Hose na nabihag
Sunud-sunod na pagsulat sa talaan
Mga ninunong tumatag
Sa pamilyang pagmumulan
Ni David na sumasagisag
Sa kahariang ‘di mawawakasan
At sa Punla niyang maghahayag
Ng pag-alpas sa bisig ng kasalanan

Sumuway at nalaglag
‘Yong mga hinirang sa kalaban
Sabay paghina ng ‘Yong tawag
Sa pandinig nilang dati Mong kinasihan
Itong pagtahimik na hayag
Lantad, di mapapasubalian
Na sa dulo ay nabuwag
Nang sumapit ang ‘Yong Anak sa sanlibutan

O Manunulat ng Buhay
Sa ‘Yo ang lahat ay may saysay
Ikaw ang tanging gabay
Sandigang tiyak na matibay
Mga hari sa Yo’y bibigay
Ningning nila’t tanyag sa Yo’y walang ingay
Noon patungong ngayon
Sa kasaysayan Ikaw ang nagbibigay kulay

Binigay Mo ang ‘Yong Mahal
Siya’y lumagi dito para sa ‘kin
Nagutom, nauhaw, nabuwal
Iba’t ibang sakit ay pinasan din
Natukso ngunit nabuhay nang banal
Nang ako ay may huwarang susundin
Hindi lamang sa takdang pangangaral
Salita ng Ama ay inakmang yakapin
Ngunit nais Mo ang pinairal
Sa bawat isa na hakbangin
Hanggang sa huling pagsandal
Ng likod Niyang puno ng pasanin
Kat’wang bawat dagok ng punyal
Ay walang takot na sinalamin
Ang puti Niyang balabal
Nagbura sa kasalanan kong bayarin

O dakilang Manunubos
Salamat sa pag-ibig Mong lubos
Ako ngayon ay malaya
May kaligayahang di mauupos
Nakaugat sa ‘Yong biyaya
Na di kailanma’y makakapos
Lalago at magbubunga
Hanggang sa panaho’y di na muling umagos

23 August 2018

Poem recited at Sibol Camp
To the sound of ‘Lotus Flower’ by Tokio Myers

Sibol Camp, 25-27 August 2018
Young Adults’ Ministry, Capitol City Baptist Church

Tagged , , , , , , , , ,

Tag-ulan

Ito nanaman ang mga patak
Walang tigil na tumatatagaktak
Sa bubong nitong aking pusong
Panay butas ang sumasalubong
Patungong kalul’wang nanlalamig
Pagsilong ang siyang bukambibig
Patuloy na hanap ang pag-asa
Na sa ulap tila’y nagtago ata

Sa kabila ng lakas ng pagbuhos
Pag-abot Mo pakiramdam ko’y kapos
Sa tinig Mo ako pa ri’y uhaw
Hinihintay na langit muling maging bughaw
O sadyang pagbabaha’y binigo
Ang nakakulong ko nang pagsamo
Pati mga luha’y tuyo na rin
Dagat ay nasaid na ng damdamin

Kamay Mo ba’y may ipipinta pang bahaghari?
At may mata pa ba na sa pagsibol ay sasaksi?

14 July 2018

(Poem for SIBOL | YAM Camp 2018 | CCBC)

Tagged , , , , ,

Tag-ligaw

Bundok
Dagat
Isla
Gubat
Hayop
Kultura
Mga karanasang iba’t-iba
Naroroon sa pakikisalamuha

Tulog
Pamilya
Paghain
Ligo
Bihis
Gawain
Araw-araw na aayusin
Gabi-gabi na iintindihin

MRT
Tao
Orasan
Papel
Sweldo
Usapan
Pag-akyat na walang hangganan
Nagsisiksikan, nagtutulakan

Mata
Ngiti
Pintig
Text
Labas
Titig
Umpisang malabo na pag-asa’y lumawig
Maaaring kumakatok na ang pag-ibig

Salita
Panalangin
Awit
Simba
Pangako
Langit
Halaga’y hanap sa bawat sinasambit
Buhay na ganap sa kabila ng mga sinapit

Karanasan
Pamilya
Trabaho
Kapisan
Pananampalataya
Paglago
Sa ‘Yo ba ako ay dapat na tumakbo?
Doon ba ang puso ko ay may matatamo?

14 July 2018

(Poem for SIBOL | YAM Camp 2018 | CCBC)

Tagged , , ,

Tag-araw

Dama ng balat ko ang init ng ‘Yong sikat
Ngumingiting araw sa bughaw na alapaap
Pag-ihip ng hangin sa ibabaw ng dagat
Banayad na pag-along dala’y simoy na maalat

Halika at sisirin ang lalim
Kaligayahan doo’y hindi bitin
O di naman kaya’y habulin
Ang tubig na umaagos sa baybayin

May lundag ang bawat paghakbang
May awit ang salitang binibitawan
Walang sulok na hindi makukulayan
Sadyang matingkad ang mundong ginagawalan

Ang salita Niya’y may ibang tamis
Bulong sa ‘king tainga’y hindi numinipis
Mga paa’y tila walang paglihis
At bawat harapin sa tagumpa’y ‘di nagmimintis

Hangarin pa rin kaya ang pagyabong?
Sa likod ng kinang ang layunin ay sumulong?

14 July 2018

(Poem for SIBOL | YAM Camp 2018 | CCBC)

Tagged , , , ,

Taken

Here in the corner
Waiting for this to be over
Somehow words can’t take that balm
And speak healing to me sooner

My shoulders crave your touch
Your strength is my much needed crutch
The warmth my shivering spirit
Is looking on to truly latch

Would you come and take me
Your eyes I am hoping to see
Into them my soul is driven
And home I’ll be eternally

28 May 2018

Tagged , ,

Bisig

Taas-baba
Pansin mo ba
Ang dibdib ko’y
May pagkaba
Aligaga
Natutunganga
Na para bang
Mundo’y hindi na
Tuluyang iikot pa

Malikot
Ang bawat kurot
Ay sariwa
Iniwang gusot
Nag-uudyok
Ng pabulusok
Ng mga luhang
Sumisinok
Sa iniwang sulok

Mayro’n bang nakikinig
Sa pagbagsak ay may hahawakang bisig
Ramdam mo ba ang pagpintig
Ng puso kong nahahapo na sa pagkabig

Nakayuko
Nagtatago
Sa aking lungga
Sumusuko
Sa magulo
Na pagpapako
Ng mga bulong
Sa isip ko
Na nagkakanulo

Nagbabakasakali
‘Di ko mawari
Nagpupumilit
Kung maaari
Mga pagkakamali
Ay maikubli
At ‘di na mabunyag
Na parang bahagharing
Lantad nilang masusuri

Ikaw ba’y dumirinig
Sa pagbagsak ko’y malakas na bisig
Batid mo ba na ang pagpintig
Ay huling lakas ng pag-asang kumakabig

Butas at kulang
Nag-aabang
Na mapuno
At magdiwang
Ang kaluluwang
Pawang nakalutang
Sa pagsusumikap
Na matangan
Wagas na kaligayahan

Naghahanap
Sa alapaap
Kinang na matingkad
Ni sa hinagap
Aking maaapuhap
Nang walang pagsisikap
Ako ay kukupkupin
Iibsan ang paghihirap
Ng paghahabol sa pangarap

Ako ba ay makikinig
Hahawak lamang sa nakahanda Mong bisig
Idudulog ang pagpintig
Sa Iyo nang walang pag-atras at pagkabig

Ikaw ang kapahingahan ng aking diwa
Ikaw ang pag-asa na di ko makita
Sa hantad na pagsuway Ika’y di nanghihina
At sa paglimot ko’y parating may paghalina

Natatangi
Di nagbabago
Walang pagsuko
Ang pag-ibig Mo
Tuloy-tuloy lamang sa pagsamo

Ikaw ang makikinig
Ako’y tatakbo sa Iyong bisig
Sasabay itong pagpintig
At hahayo nang walang pagkabig

Ako ay hintayin
Sa tagpuan ako’y Iyong tanggapin

BISIG
Poem for CCBC YAM Spark’s ‘Tagpuan’
25 March 2018

Tagged , , , , ,