Sayaw

Minsa’y binabalikan ang nakaraan
Di man sinasadya
Nagdiriwang
Puso’y di maikubli ang ngiti
Waring naririyan lamang
Wala sa gunita
Hawak ang mga kamay kong
Naghihintay sa pagsabay sa bilang

Ngunit naisin mang tahakin pang muli
Hindi na aakma
Ika’y lumipas
Sanayin man sa nakagawian
Dalhin sa nakalipas
Hirap nang bumaluktot
O kumilos sa daloy ng musika

Hanggang pangarap na lamang kita, Mahal
Mithiing kumupas
Panaginip
Panaho’y di na magmumura
At doo’y lalagi ka
Sadyang mananatiling
Anino ng maaari pang bukas

16 March 2014

 

 

Advertisements
Tagged , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: