Tag Archives: disappointment

Habulan

Bakit nga ba humantong sa ganito
Sakit na animo’y walang paghinto
Naisi’y tuluyang makaalpas dito
Ngunit pilitin ma’y di mapagtanto

Sa pag-isip sa ‘yo ang puso’y nalulong
Lakas ko ay sa iyo itinuon
Ngunit katwa’y ‘di sunod sa pagsulong
Kaya nama’y kirot doon bumaon

Pangarap na makamtan ka’y mailap
Di kayang abutin ng pagsisikap
Ang makuha ka’y habulan sa ulap
Ako’ng talunan at ulan aking yakap

21 November 2014

Advertisements
Tagged , , , ,

The Cure

When light is no more to push the road wide
No happy thoughts left to dig up inside
Looking for reason where sanity died
Not enough strength to put worries aside

Pick up stones to buff rough edges shown
Spread wings and try to fly to the unknown
Reap pure joy where dried up tears have been sown
Reach for freedom and call it my own

Hope will drench this long parched soul
Your love to fill my empty bowl
Through this storm I shall take a stroll

10 October 2014

Tagged , , , ,

Diyes-Singkwenta

Ilang ulit sinuri mga lukot na pahina
Maingat na sila ay nilagyan ng mga marka
Isa, dalawa, o maging tatlong beses pa nga
Ngunit kahit anong pilit ko pang busisiin
At balik-balikan ang mga nakalipas natin
Ang pagkakamali ay bakas pa rin sa akin

Ang pag-asang maituwid waring naglaho na
Na tulad ng araw na itinago ang mukha
Sa likod ng gabing hatid ay pangungulila

Tuluyan kayang masira ang tanging pangarap
Na unti-unting binuo ng pagsusumikap
Kahit anumang danasi’y di pansin ang hirap
Suot ang ligayang di kailanman ay napagod
Init ng pagmamahal s’ya sa aki’y nagsukob
Habang ‘yong tinig bigay nama’y lakas ng loob

Wala na nga ba ang inaasam kong paglingap
Naglaho na gaya ng bahaghari sa ulap
At di na muling madarama ang iyong yakap

28 March 2012

Tagged , , , , , ,